31
December
2008
December
2008
sandata
hindi na lansangan
ang kaulayaw mo
sa pagbabaybay
ng mga taludtod.
ngunit,
putik at bota na
ang kapareha
sa pagbubuo ng mga saknong.
gamitin mong metapora
ang masukal na terayn
at pagkubli sa talahib.
at mapangahas mong
ibigkas sa kaaway
ang iyong obra–
hanggang sa ito’y
kumitil ng kanyang buhay.
Dec. 27, 2008
Mt. Province