August
2007
Hagupit ng isang paraiso*0
Halos mag-iisang taon ko na rin siyang nakasama. Tandang-tanda ko pa noong una kami nagkakilala, buwan ng Hulyo iyon nung nakaraang semester sa Student Lobby, isa siya sa mga maraming estudyante na naglalakad kasama ang mga kaklase. Naghahagilap ako ng mga estudyante na gusto mag-apply sa Tekno, lumapit siya sa akin para magtanong kung paano mag-apply, agad ko naman siyang binigyan ng application form para kanyang sagutan.
Nag-aalinlangan pa siya nung una kung tatanggapin niya ang form, dahil wala pa raw siyang karanasan makasali sa isang publication. Ipinaliwanag ko naman, na matutunan din niya kung anu-ano ang mga basic journalism skills. Na kumbinsi ko naman siya at pagkatapos ininterview. Araw ng staff writer examination nang muli ko siyang nakita.
Tulad ng maraming nagnanais makapasa sa exam, isa siya sa mga naging teknopips. Simula noon, madalas ko na siyang nakakasama sa mga gawain sa pub. Noong una, nahihiya pa siya sa akin, mukha raw kasi akong mahirap i-approach. Agad ko naman siyang nilapitan upang makausap, para matanggal ang ganoong pag-tingin at ipinaliwanag na walang dapat ikahiya, sapagkat buong taon kami magkakasama sa paglalathala ng mga isyu ng mga EARISTian.
Dumating ang araw ng Journalism Skills and Training Program (JSTP) ng tekno. Sa tatlong araw naming JSTP, mas lalong humigpit ang aming pagkakakilala sa isa’t isa alinsunod sa mga bagong kaalaman sa pagsusulat. Nakita ko ang kagalakan sa kanyang mga mata, dahil malaki ang naitulong ng mga workshop na ibingay ng speakers. Dispiras ng huling araw ng JSTP, kagrupo siya sa isang pangkultural pagtatanghal. Isang art performance ang aming inihanda tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pinas. Nagbigay muna ako ng maigsing discussion kung bakit naging komersyalisado, kolonyalisado at mapanupil ang edukasyon sa bansa bago kami magpraktis.
Isang artikulo sa kultura ang aking ini-assigned para sa kanya, ito rin ang unang-una niyang task sa ilalim ng Features and Culture bureau na hawak ko. Dumaan sa matinding editing ang artik namin, para mas lalong maging maganda ang kalabasan nito. Kahit na nahihirapan at hindi pa gaano gamay ang pagsusulat ng kultura, pursigido siyang mapag-tagumpayan ito para ma-educate ang kapwa mag-aaral. Hindi rin siya nagpakulong sa apat na sulok ng EARIST at publikasyon, bagkus, sumasama din siya sa pag-cocover ng mga rali sa lansangan, para alamin at ipaabot sa mga kamag-aral ang mga isyu ng mga kabataan at iba’t ibang sektor ng lipunan.
Saksi ang mga pinilas na pahina ng kalendaryo sa kanyang pag-unlad, at habang lumilipas ang araw, nasusubaybayan ko ang kanyang patuloy na pag-unlad. Mas lalo siyang na nauhaw sa usaping ekonomya’t pulitika, kung kaya’y higit pang nagpakasuhay para ipagpatuloy ang malayang pamamahayag. Dumating ang araw ng enrolment, hindi ko nasilayan ang kanyang anino. Sa kabila ng maraming text message na ipinadala ko, hindi ko nakita sa inbox ang kanyang pangalan.
Hanggang isang gabi, pinuntahan ko siya sa kanilang bahay at aking nalaman dahil sa biglaang pagtaas ng matrikula, hindi siya makakapag-enrol ngayong taon. Kahit na kumuha pa siya ng scholarship mula sa publikasyon, hindi kayang tustusan ng kanyang mga magulang ang napaka-taas na tuition and other fees sa isang State College and University (SUC), tulad ng EARIST. Isa siya sa libu-libong kabataan ang tinanggalan ng karapatang makapag-aral, sa isang SUC na binansagan pa man ding “for the poorest to poor” na institusyon.
Itigil ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin, ibalik ang iligal na sininggil sa mga iskolar ng bayan!
*para sa isang teknopips na hindi nakapag-enrol at isang bumalik sa probinsiya para ipagpatuloy ang pag-aaral- sa EARISTians na biktima ng TOFI at sa kanilang magulang- lalo’t higit sa libu-libong out of school youth sa bansa