30
December
2006

bugtong-hininga3

parang nung isang linggo lang

kasa-kasama kita…

mag-damag na nagkwe-kwentuhan

at nagyo-yosi…

dumating ang araw ng xmas eve,

hapi cakeday!ü

bati natin sa isa’t-isa

text-text pa nung umaga

badtrip ka, sabi mo

ganoon din nung hapon.

gulat na lang ako nang sinabi mong

lumabas ako…

malayo palang kita na kita,

naka-tayo at nagyo-yosi

paglapit ko

may inabot kang cake

"bakit?" tanong ko

hapi cake day nga naman kasi.ü

malapit na mag-12;

in one word.

masaya.

nagpa-umaga tayo ulit

dahil sa kwentuhan at yosi

kinagabihan…

sa Policarpio.

akala mo bored ako.

pero ang totoo, hindi.

sa bawat pagkakataon

na hindi ka naka-tingin

ninanakaw ko ang segundo

para tignan ang gilid ng iyong mata.

ayaw pa natin mag-violet.

ube. puto bumbong. grape juice. ube cake.

parang ako…

LiLa.

muli, kinabukasan.

mag-hapong magka-text.

ayoko ko kasing magpa-check up

talaga eh…

takot din ako bunutan.

sasamahan mo pa ko

para hindi ako matakot.

salamat.

tapos, dumating ang gabi

na hindi ko alam

kung inaantay ko,

inantay ko

o ayoko na gusto kong

malaman at makita…

…pero hinahanapan ko

ng kasagutan ang mga tanong

na matagal nang naka-imbak

sa sulok ng aking isipan.

tumakas ka pa sa bahay niyo

para lang samahan at damayan ako.

red horse. sisig. hot choco. yosi

ang nagpabilis sa oras.

pinapauwi na ko sa probinsiya,

andiyan ka pa rin para ihatid ako

kahit na alam kong lagot ka na paguwi mo,

ayaw mo pa aminin…

na oo.

baklas-bahay ang balak mo.

naalala mo ba?

nung naglalakad tayo,

tinanong mo ko

kung makakapag-YM,

friendster, text, kita pa ba tayo…

sabi ko, Oo.

magkikita pa rin tayo…

YM? friendster? text?

ewan ko lang…

pwedeng Oo, pwedeng hindi

sabi mo…

pero…

andyan naman ang sky eh.

andyan ang stars…

hindi man tayo magkita,

tingin na lang tayo sa sky,

iisa lang ang sky na pumapailalim

sa ating dalawa.

diba?

kahit malayo…

may solusyon pa rin.

akala ko ihahatid mo lang ako

sa stapi…

magpapahinga ng unte

at uuwi ka na…

hindi pala.

kahit tahimik ako magdamag,

tulala at hindi gaano nagsasalita…

hindi ka pa rin umalis.

CAMEL.

parang fortune kaya ok lang.

kahit anong yosi,

basta may usok-usok.

pinag-kwento kita

nag-kwento ka…

ewan ko,

es ay? medyo.

lights off na.

pauwi ka na

sana

secu, alam mo na.

tanghali na ko nagising

pero, mababaw pa rin ang tulog

hindi kita nakita sa confe room

wala ka rin sa sala

nasa smoking area ka pala

desidido ka na.

aales ka na sa bahay niyo,

nagulat ako.

pinabasa mo pa yung 1 text

nagulat ako.

pero, mas nauunawaan ko na ngayon.

tanghali na.

dadalaw ako sa bahay

pero wala akong naabutaan.

kundi, yung mahahakot lang,

info, update, pagkain, gamit,

pamasahe, pang-load ano pa?

nalalabi na ang oras ng paghihiwalay natin

kinakantahan pa kita,

ANB

kahit di sa freshair ang punta mo…

sa jeep

ikaw naman kumanta,

RND

hindi ko alam

kung bakit bigla kang kumanta

kasi alam ko, matagal bago ka papayag

na kumanta ka.

alam mo,

kaya ayoko tumingin sa ‘yo

habang kinakanta mo yon…

pinipigilan kong tumulo luha ko.

tinatago ko sa mga ngiti ko ang lungkot.

ayokong makita ulit yung

red teary eyes.

alam ko naman kasing,

kita ko na, ayaw mo pa amin eh.

Oo sige hindi na, pero pigil mo.

alam ko namang

naiintindihan mo kung bakit eh…

*sigh*

pero, ganoon talaga…

kailangan kong matutunan

at mahalin ang paghi-hintay.

27
December
2006

dull princess0

im in the center of everything

ive colored my life a rainbow but painted with some black.

all i can sMsemo1_4hare is to shed every single tear—

scared to touch the layer outside me…

how does it FEEL when your warm blooded

but still, shivers from cold?

bubbles around you, giggles,

laughters, fears and sadness covers you…

trials of thoughts

journey of sorrows

trace the lane

fill it with grey seasons of loneliness

end up ’till summer

collide those spaces..

…cause in reality there’s no such thing as EASE.

26
December
2006

hupi cakeday!ü0

awts.ü

wala

sana

ako ngayon sa bahay eh..asa samwer

sana

ako ngayon.. pero, ok lang na sakto lang..ü hapi cakeday nga pala..ü

ilang araw din pala akong puyat..hihi pero ok lang..masaya naman..wee..*belat* last week, halos walang araw na hindi ako napirmi sa bahay..hihi..saya.. kaya naman sobrang pa-gudshot ako nung mga last minutes na..hahaha.. ewan ko kung pa-gudshot pang masasabi un..haha, d nga ako nakakaales pero lagi akong umaga na natutulog..hahaha..kebs!ü saya2 magyosi na may kasabay eh..haha.. tas malamig tas kwentuhan pa..hihi

anyway, gege, since wala na akong ganong ginagawa, wento ko na lang ng maigsi. Short. Tapos na. haha. Char.

Uhmm..nag-start un nung, xmas party ng CEGP-NCR. Gulo2 ng sked ku nun..may usapan kami ni Mara, na sundo ko xa sa Burber King (BK) ng 5pm. Tas si Rheyne naman sa may España na mismo.. pero in the end, sa BK ang bagsak.. haha. Pero kasi may naganap, may pinapasundo sa akin sa gateway.. ng 530. oh no.. really… talagang OH NO! haha.. fast-forward, di ayun nga.. sinundo ko si kuya… sa gate way, sila Gerg nagsundo kina Rheyne at Mara.. haha.. kita2 na lang sa venue… pucha.. bad3p pa nga ung Manong driver ng jip eh.. angas2 ampopo… pero, un na un… hihihi.. well, saya2 ng games namin.hihi kahit d ko alam tawag.. pero ok na alam ko na.. pinoy henyo pala un…waaa..d ko alam panu nangyre… basta.. masaya… tas may gft sa kin si Rona xka Fred.. hihihi.. pito. Galing! ü Fast-forward. Swempre..lamon.inom..tawa..hihi..basta.. tas uwi na ako..kita kami ni andoy..ganun ulit…murnyt na ulit tapos wentuhan.yosi.gnun lang..

F*ck! Nung maga na..crapness.as in hell.un na un..kung ano man ung nangyre..for sure, you aint gonna like it too..hahaha. period. Linis.luto.hugas.yosi.maen.nood ng Soong Sisters cla Mara d2… waaaa.. tas, uwi na Rheyne…tas ma22log na

sana

ako..dating na pala andoy…asa gate nap ala xa…waa..hihi.nothing hill na nood namin nun eh..pero oklang… tas, pauwi na c Mara, pnta na mit andoy… waaa.. bigay ko cla Craki at Pooh kay andoy, Kula kay Mara, babalik nila pagbalik ko.. *sniff* >> nung gabi na.. ayun.. nagising ako sa inggay… ang galling nga e.. ung mga gamit, naglakad pababa ng bahay… hahaha… lakas2 ng kalabog sa taas… akala ko may naglalakad ng mga tao… iisa lang pala… kasi tatlo lang kami nun ditto sa bahay… un pala si chuvaline pala ung asa taas… tsk3… pagakyat ko… ayun… nadali ako… may pinatay na lamok sa kaliwang pisngi ko… ang sakit… whew! Yosi sa labas. Isip. Taena.. balik ulit ng bahay… pagbalik ko… parang… may… waaa.. kutsilyo? Amp. Ayoko na. ayoko na. ayoko na. ikwen2… hahahaha… labas ako… kasi, andun na c andoy, kunin na nia cla Craki at Pooh… usap kami… yosi… lakad… brainstorming… whoah… murnyt na ulit kami byebye… teks2 na lang ulit…

The next day, walang ligu2,,, tanghali na rin kasi naman ako nagising… tas, net lang paggising… tas gabi ko na napansin na gabi nap ala… tamang inutusan pa ko ni dada punta mercury drug..hahaha… joy ride pa… anonas-v.luna-philcoa… hahaha saya2..wala pa ko slippers, naka sandals lang ako? Waaa. Sya nun nu? Anyway..pagbalik sa bahay.. ayun net ulit.. YM.. waaa.. wala na kasi unli eh..hahaha.. murnyt na ulit meme..hahaha

Yeah! Happy cake day na…ü bum lang ko..hahah. as in sa kwarto lang ako…hahaha…saya ng buhay… whew. Aantay pa rin ako sa teks ng ilang tao… kasi hapi cake day na.. waaa.. walang update… ahaha.. keri lang redi na naman ako.. xka sure na payag cla dada… hihihi… >> teks2 kami… hay… walang panahon… pasabog.ü may bisita ako. Parehas pa kaming naka-pink. May dala2ng karton. Di ayun nga… punta kami sa bahay pinakilala ko si Andoy sa parents ko and kay Titi Vic, hahahaha.. uo, may sakit si Andoy… bawal xa inom alak.. hahaha.. (bawal pa? hihi kasi. Limuts ko barik pala nga pala sila dada..haha) usap unte, labas, yosi, lakad, tambay, maen kami sa bahay… kasi… 12mn na… waaa..hapi bday papa Jesus na..hahaha… tapos, nood Soong Sisters, waaa.. d ren naming ganu intnde… barik pa kasi eh…hahaha… barik pa? umaga na kami ulit bye2..

After ilang hours… para matulog at kumaen… kita kmi sa mega, for that nauna pala ako… aba malay ko bang hindi trapik…hahaha. Ikot2 muna don.. hanggang sa napagod ako at nagteks na… San kn pu? Hahaha. Ayun, bbhis palang pala andoy…hahaha…keri lang…yosi lemonade muna… whoa. San ako tambay? Amp? Layu xe Starbucks eh…hot choco

sana

ko..ihihi. French baker na lang… waaa.. d ako bili ng bred. Ayaw. Busog pa ko… dae2 ku na maen..hahaha.. yosi2… teks2… d ko napansin dumaan nap ala xa… hahaha… galling. Usap muna unte tas yosi.. ayun… tas punta kami sa Policarpio..ü saya. Basta. Masaya. Kahit mejo tahimik ako..hahaha. basta un na un… lakad2. ayaw naming magViolet… puto bungbong (tama ba?), grape juice pag dating ube cake… prior to that… maen pa kami ng ube..hahaha haits. Uhmm.. tapos… >> byahe na pauwi kasi, sama ako sa Quezon.. waa… ayun… tulog sa bus..hihihi.ü yosi pagbaba. Lakad papasok ng Street.  Tambay saglit. Yosi. Ube. Hahaha.. tas huli kami ulit dada na asa labas na naman kami, sa loob na nga lang

sana

sabi eh…haha

>> uwian na. hapi anib na..!!üü hahaha. hindi ko na kaya… feeling ko hihimatayin na ko… kasi may certain kasi eh… hahaha. Paggsing ko.. amp 2 na. late na ko sa usapan namin ng Tiya.. pero ganun din… di ako pinaales ni dada… iniwanan pa ko punta Quezon. Amf. Keri lang… kita kami ni Chichi.. syet sa wakas… nagkita rin kami.. hahaha… apir! Saya2. libre pa Mcdo.. hahaha.. ayun… >> uwi na ulit bahay… teks2… angat si Mooky, basa ng basura, hanggang maisipan mag net… mag blog… at hanggang ngayon.. iniisip ko pa rin kung ano ang susunod kong itytype…

21
December
2006

weee..2

bad3p…
lokohin mu lelang mo.. amf!!

tae.. isang taon at mahigit kang nagoobserba… tapos sasabihin ceo… amf! magninang?

ikaw pa ang gumagawa ng gulo?? amf… sinisira ko ang xmas? amf! xmas pa? may papa Jesus ba? asan? bakit invisible? sabi ng pari date nung nagsimbang gabi ako.. manalangin lang sa panginoon.. amf… eh.. ung mga batang lansangan nga at na gugutom.. halos lahat na ng mga santo at santa dinasalan eh..! [kahit ultimo sa bibliya sinasabing wag sasamaba sa mga kung anu2ng rebulto.. pero ginagawa natin?? amf] pero.. ayun… gutom pa rin sila…sasabihin ng mga kapitalista.. tamad ang mga pinoy… amf… sinu ba ang mga nagpapagalaw sa mga pagawaan? sinu ang ngttanim at nagaani ng mga bigas na kinakain natin araw2? hindi ba mga magsasaka at manggagawa?

…ipagdasal natin na sana matigil na ang gera sa buong mundo? amf! para wala ng nagugutom? amf.. un ba ang sagot nun? ang pagdadasal..? tae.. kung nadadala lang sa pagdadasal… tae.. bakit may pol killings? sa pinas na lamang? amf. bkit dumadagsak ang maraming kabataan, kababaihan, manggagawa, magsasaka, kabadingan at ibat ibang uri sa mga kilos protesta… at sinisigaw ang ibagsak ang Imperyalismo. burukrata-kapitalismo at pyudalismo?

…amf! hanggat may Imperyalismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo ay hindi matatapos ang pagsasamantala at patuloy na pangaapi sa masang pinoy.

10
December
2006

unlimiteks2

          Mag-hapong inantay ang pagsapit ng alas-onse ng gabi. Pinapasma na halos ang kanang kamay sa pagkakayap nito sa 3310 na cellphone, ang mga mata’y walang pagod sa pagkakatitig sa oras, habang ang mga daliri naman ay nasasabik sa pagtatalun-talon nito sa keypad.

            Nananatiling naka-upo sa isang sulok ng kwarto, hawak ang isang sigarilyo sa kabilang kamay, habang inaantay ang minutong nalalabi para mawala ang pagod buong araw. Hating-gabi lamang ang maluwag na oras para masulit ang 30 pesos na load.

            Tit.tit.tit.tit.

            Nagmamadaling tinignan kung kanino galing ang mensahe. Maluwag ang pagkaka-ngiti nang mabasa kung sino ang nagpadala ng text message.

            gcng p pu b LiLa?ü

            Walang segundo ang inaksaya lalo na at limitado ang oras kapag ikaw ay registered sa unlimited texting (unli).

            Ian! hahaü upu.gcng pa pu aku. gwa mu pu? y0c tau?ü

            Sending message. May halong excitement ang nararamdaman habang inaatay na makita sa maliit at sirang LCD screen ang Message sent. May bakas ng saya at pasasalamat dahil na uso ang unli.

            Nkaupo Lng pu taS tx kaw..ge yoc tau.ö maen kn pu?

            Laging ganito ang senaryo sa umpisa, ngunit hindi nakakasawa. Sa ilang oras na ginugugol sa pagte-text kapalit naman nito ang saya na hindi mabibili sa murang halaga. Madalas inaabot ng madaling araw, mapupungay na ang mga mata, hindi na mabilang ang mga paghikab na nagawa, pero gagawa at gagawa ng paraan para matuloy lamang ang pakikipag-usap. Magtitimpla ng mainit na kape na walang asukal o hindi naman kaya bubuksan ang TV pero hindi manonood kahit Sponge Bob ang palabas, magkaroon lamang ng inggay dahil sa nakaka-binging katahimikan sa sala.

waa.. ma3tay nb q? ang dae q n nlgy n kape.. dq mlsahan..waa..

            

waa.. bLak coffee?ö

Politika, Ekonomya at Kultura, kahit ano maaaring mapag-usapan. Mula sa maliit na bagay tungo sa malalaking bagay.

            Uy! D kn rep..=c

            Waaa..ian? meme na kaw?=c

            2luk na pu ba ian? =S *silip*

            Isa, dalawa, tatlong sent. Ok lang unli naman, walang bawas sa load. Puyat, battery, nakaw-load (kinakain ang load, madalas mangyari kapag unli) lamang ang matinding kalaban.

Hindi mo malaman minsan kung naka-tulog na ba ang iyong kausap o kinain ang load. Ang tanging magagawa mo lamang ay mag-antay hanggang siya ay mag-reply. Maya-maya pa, muling tumunog ang nanahimik na cell phone.

            Tit.tit. Tit.tit

Dahil numero lamang ang naka-register, hindi maiwasang mag-taka kung sino ang taong nag-text.

Sender: +639064725482

Pde hngi favor nmn? Ppsa nmn 2php no. q? nikaen ng ***** Lod q.. T.T SLmat..ü pRo ok Lng pu qn wLa.. 2m nLng guRu uLet pLod..

Kahit may kaunting pag-aalinlangan, masasabing siya na iyon, sapagkat kung paano niya i-text ang mga salita, may hinala ka na kung sino ang taong ito kahit hindi inilagay ang kanyang pangalan.

            Ian, kaw b ung ngtxt?ö uhm..prng kaw un eh..uhm, kaw nga ba un?

            upu.. aq pu un..nReSib q n xa..yey! SaLamat pu dae2 LiLa ha? =j

            Tila nag-full bar ulit ang battery line ng cell phone, umepekto na rin ang nicotine ng sigarilyong hinihitit at matapang na kape na kanina lang ay dahan-dahang hinihigop. Bagong paksa ang pag-uusapan, madalas gumagamit ng jargons (mga salitang hindi madaling maintindihan) pawang kayo lamang dalawa ang nagkakaintindihan, lalo na ngayong kritikal ang panahon, kayang ma-trace ng kompanya ng gamit mong network ang inyong mga pinag-uusapan ganoon din ang inyong numero.

            Mkkpsok pLa q 2m.. kta q sa Reg.. kSo bd3p 10:30-12 pLa xa.. ha2boL dn pLa q S Lakad..haha

            Tsk. aku din eh, hab0l lng din.. rp0rt xe ku eh.=s hahaha ian, tra y0c tau.hihiü

game.. ge burn n yan.. =j puff, puff, puff.. haha.. sRap2 higop2.. hehe

            

            uo. sarap2 higop y0c, tas higop kape..hahaha

            

            Kung minsan pasikat na ang araw tuluy-tuloy pa rin ang text. Gising na ang ibang mga kasamahan sa bahay at kaibigan. Nagsisimula na sa pag-bati ng “gud morning po.. hab a nys day ahead… =]” habang kayong dalawa ay nagsusumikap na manataling gising.

            waa..gcng n cla mami..d2 p q s0fa..mukang dq mkk2log.hahaha.ta2wa nlng q.hihi. me2 nlng q sa cab mea, xka sa opis kpg ntp0s q n mga gwain. Tas nap q til 10. haha

            Ta2wanan mu cLa?hehe waah. D kya Sakit uLo mu ñan pg dka 2Log..hehe

            Lumipas na naman ang buong magdamag, ang pag-antay lamang sa reply ng ka-text ang pahinga ng mga mata at pagbasa sa kanyang mensahe ang magpapagaan sa paghahanda sa mga gawain buong araw.

            Maraming beses na lumilitaw sa screen ang Low Battery, inaantay na lamang ang sandaling kusa itong mag-ooff.

Waa..=c countdown n ng bat mu..=c mgging mtmLay n nmn cp q.. =c kbgot dn ang moRnyt ng wLng ktx.. pRo gnun tLga.. “a moment of SiLence 4 our dearly dpaRted cp”haha..ü

            

haha..u0.ian, kpg dnq rep deds na bat ku nun..nyaha advans nyt2,swikdlims,tyt2.,nyaha. Knkbhan ku..waa..haha

upu undRStd q n un.. ü aq dn knkbhan aq ampf..advanS nyt2 dn pu xka SLiptyt..SwitdRimS.. ü ingat pu kau.. Haha.. Gege pu.. ü sya2 ng moRnyt ntin.. nyaha ge pu gud moRnyt.. ü

            Sa sobrang aliw sa kaka-text, madalas hindi namamalayan ang oras. Bayad ang bawat segundo, lalo na kapag malapit ng ma-expire ang unli. Ito ang kadalasang nagbibigay aliw lalo na sa mga taong may insomnia        na gusto patayin ang lungkot tuwing hating-gabi.

            

            upu.hehe sya ng mornyt nten.haha.kta nlng pu tau sa lakad mya. STPSR!

            Sending message…

            Check Operator Services!

Sa halos pitong oras na hindi nagsasalita. Isang kataga lamang ang mabibigkas. Shit

10
December
2006

May pera sa geRa, waLa Sa eSkuweLa0

1 biLyong piso para sa all-out-war

2 taon upang sugpuin ang rebeldeng komunista

3 lider-estudyante ang dinukot sa bulacan na hindi pa rin nakikita

4 na taon pa ang paghihirap ng mga iskolar ng bayan sa rehimeng Arroyo

5 o marami pang kabataan ang puputok ang ulo o mababalian ng kamay dahil sa pag-gigiit ng karapatan sa Edukasyon

6, 7, 8, 9, 10…

o higit pa dahil padagdag ng padagdag ang bilang ng mga kaso sa pulitikal na pamamaslang

by:

ako at Ibo

Earist Technozette

Volume 27, Issue 1

June-July 2006

9
December
2006

Kay Benedict*0

Sa pinagtagpi-tagping dyaryo mo iginuhit

Ang libo-libung maralitang nawalan ng tirahan.

Buong sigla kang tumulong sa mga kaibigang

naghahanda sa preparasyong gaganapin bukas.

Iyong pinturahan ang malaking barkong

sasagasa sa inyong baryo at mga karatig-baryo.

At bukas ng tanghali,

Isang palabas na alay para sa iyong ka-pamilya,

kapit-bahay, ka-laro, kasama’t kaibigan

Kung ano ang lipunang ating ginagalawan.

*para sa isang kaibigan at biktima ng demolisyon sa Tondo